^

Probinsiya

19 Abu na ang napapatay sa bakbakan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot na sa 19 Abu ang napapatay sa patuloy na operasyon ng tropa ng militar laban sa grupo ng Abu Sayyaf simula noong Biyernes sa bayan ng Patikul, Sulu.

Sumiklab ang bakbakan sa Barangay Bunkaong matapos lusubin ng militar ang Abu Sayyaf Group kung saan kabilang sa napatay ay ang ASG sub-leader na si Mohammad Said, alyas Ama Maas, kanyang anak na lalaki, dalawang sub-commanders at 12 terorista.

Habang hindi pa mabilang ang nadagdagang sugatang bandido matapos ang paglusob ng tropa ng 11th at 12th Scout Ranger Companies sa nasabing barangay.

Sa isinagawang clearing operations, tumaas pa ang bilang ng Abu na napatay kabilang ang anak ni Said.

Samantala, sa iba pang sagupaan sa Purok Latih, Patikul, tatlo pang teroristang ASG ang napatay kahapon ng umaga kung saan narekober ang M-16 Armalite rifle at M-203 grenade launcher.

“No casualty from the government security forces as they pursued the fleeing bandits,” pahayag ni AFP public affairs office chief Col. Edgard Arevalo. 

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Armed Forces of the Philppines (AFP) Chief of Staff General Ricardo Visaya na durugin ang mga bandido kasunod ang pagpugot kay Patrick James Almodovar noong Agosto 25.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with