Jailbreak: 3 preso pumuga
NORTH COTABATO, Philippines – Tatlong preso ang nakatakas sa naganap na jailbreak sa North Cotabato Provincial Jail Amas sa Kidapawan City, North Cotabato kahapon ng madaling araw. Kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad ang mga puganteng sina Mama Mandagia “Marco” Makalati, Musanip Saplidan Kusin, at si Esmael “Derbi” Nasser. Ayon sa report, winasak ng tatlo ang rehas na bakal ng kanilang selda uno ng provincial jail ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) saka tumakas bandang alas-4 ng madaling araw. Si Nasser ang sinasabing kilabot na pugante na responsable sa serye ng pamamaril at pagpapasabog sa bayan ng Kabacan. Napag-alaman na naaresto si Nasser noong Nobyembre 2015 habang si Derbi naman ay sinasabing pangunahing suspek sa pagbaril at pagpatay kay dating Kabacan Vice Mayor Pol Dulay.
- Latest