^

Probinsiya

Pekeng PDEA agent, kalaboso

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nasakote ng mga awtoridad ang 31-anyos na kawani ng korte na sinasabing nagpanggap na PDEA agent matapos itong makumpiskahan ng dalawang baril sa kanyang van sa Barangay Labinab Grande, bayan ng Reina Mercedes, Isabela kamakalawa. ?

Kinilala ni P/Chief Insp. Edgar Pattaui, hepe ng Reina Mercedes PNP ang suspek na si Henry Corales Jr. na kawani ng MCTC Naguilian-Reina Mercedes at nakatira sa Barangay Magsaysay sa bayan ng Naguilian. ?

Ayon sa ulat, inireklamo si Corales ni Mary Ann Respicio, kaanak at executive secretary ni Mayor Anthony Respicio kaugnay pangongotong matapos siyang hingan ng protection money para sa mister nitong sinasabing drug personality.?

Ayon kay Respicio; nagpakilalang PDEA agent si Corales at tinakot siyang nanganganib ma-salvage ang kanyang mister.?

Gayunman, niliwanag ni Pattaui na bagama’t drug personality nga ang mister ni Respicio ay sumawsaw na ito sa kanilang “Oplan Tokhang.”?

Ayon pa sa report, itimbre ni Respicio sa pulisya ang pagbisita sa kanyang bahay ni Corales upang manghingi ng pera.

Hindi na nakapalag ang suspek makaraang makum­piskahan ng cal.45 pistol at Cal. 22 rebolver sa loob ng van nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with