^

Probinsiya

Apo sinalo ang bala para sa lolo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinalo ng 5-anyos na nene ang kamatayan para sa kaniyang lolo sa naganap na pamamaril ng mga hindi kilalang lalaki sa kanilang bahay sa Sitio Kamangan, Brgy. Mayombo sa Dagupan City, Pangasinan noong Martes ng tanghali.

Sa ulat ni P/Supt. Christopher Abrahano, director ng Dagupan City PNP, bandang alas-12 ng tanghali habang nanananghalian ang pamilya ng matandang target na si Maximo Garcia nang biglang  pasukin ng dalawang armadong kalalakihan ang kanilang bahay.

Agad namang nagpaputok ang mga suspek pero sa pagpasok pa lamang ng mga ito ay nakaramdam na ng panganib si Maximo na mabilis na nagtatakbo palabas ng bahay na dumaan sa may kusina.

Gayunman, aksidenteng tinamaan sa ulo ang batang babaeng apo  ng matanda na si Danica Mae Garcia na kindergarten sa Dagupan East Central Integrated School.

Ang biktima ay nagawa pang maisugod sa pagamutan pero nabigong maisalba ang buhay nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with