6 durugista arestado
QUEZON, Philippines – Anim-katao ang inaresto ng pulisya sa isinagawang drug bust operation sa Greenhills Phase 1, Barangay Market View sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng umaga. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Dennis de Leon, hepe ng Lucena City PNP, pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Ronaldo Vergara, 47, ng Phase 2; Wilfredo Malison, 44; Randy Bisa, 40; William Sebastian, 50, ng Marktown Subdivision; Jesus Nobelo Jr, 46; at si Romeo Cadavillo, 55. Sa imbestigasyon, dakong alas-8:45 ng umaga nang ilatag ang drug bust operation ng mga operatiba ng Lucena PNP sa pamumuno ni P/ Senior Insp. Rodolfo Borromeo kung saan nadakip si Vergara at nasamsaman ng ilang gramo ng shabu. Sa follow-up operation sa katabing bahay na pag-aari ni Sebastian ay naaktuhan ito at apat na iba pa sa pot session. Narekober ang 10-plastic sachets ng shabu, maliit na plastic sachet ng marijuana at mga drug paraphernalia.
- Latest