^

Probinsiya

16 arestado sa P1.2-M shabu

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 16-katao na sinasabing magkakamag-anak na miyembro ng malaking sindikato ng drug trade makaraang makumpiskahan ng P1.2 milyong halaga ng shabu sa inilatag na drug bust operation ng pulisya sa Barangay Kalawag 1, bayan ng Isulan sa Sultan Kudarat, kahapon ng madaling araw.

Kabilang sa mga suspek na naaresto ay sina Suharto Dimalanes, Benny Elie, Abdulbadie Tamondong, Teng Zainal, Rafsanjani Zainal, Marrymie Bagonbon, Linang Guloy, Momina Nandang, Ahmad Guimba, Nurudin Bangko, Esmael Ali, Abiehuraira Guloy, Yasser Nandang, Esrafel Daud, Samia Daud at si Armina Zacarai.

Nakatunog naman ang may-ari ng mansion na si Kagi Makre Tamondong kaya ito nakatakas.

Sinalakay ng mga pulis ang mansion ng pamilya Tamondong base sa search warrant na inisyu ni Judge Alvin Guntang ng Municipal Trial Court.

Ayon kay P/Supt. Joefel Siason, hepe ng Isulan PNP, narekober sa mga suspek ang 39 plastic sachets na may shabu matapos salakayin ng mga tauhan ng PNP Anti-illegal Drugs Group at Regional Intelligence Division ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang mansion ni Tamondong.

Ayon kay Siason, ang mga suspek ay sinasabing distributor ng bultu-bultong shabu sa nasabing lugar at karatig lalawigan.

Kinumpiska rin ang apat na mamahaling sasakyan na ginagamit din umano sa pagbebenta ng droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with