^

Probinsiya

4 pulis dinukot ng NPA rebs

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinailalim sa full alert status ang puwersa Caraga PNP matapos kidnapin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang apat na pulis sa bayan ng Malimono, Surigao del Norte kahapon.

Sinabi ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” de la Rosa na gagawin ng PNP ang lahat upang ligtas na mabawi ang apat na pulis na ginawang pri­soner’s of war (POWS) ng NPA, isang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa mga dinukot ay sina SPO3 Santiago Lamanilao ng Surigao City Police Station; PO3 Jayroll Bagayas, PO2 Caleb Sinaca at Rodrigo Angob, non-uniformed personnel na pawang nakatalaga sa Malimono Police Station sa Surigao del Norte.

Base sa ulat ni P/Chief Supt. Rolando Felix, Caraga PNP director, patungo sa piyestahan sa Brgy. Cagtinae, Malimono  ang mga biktima nang harangin ng mga armadong rebelde.

Ilang residente ang nakasaksi sa insidente kung saan iginapos ang mga kamay at kinaladkad patungo sa magubat na bulubundukin bahagi sa nasabing bayan.

“We don’t leave our people behind, gagawin natin lahat mabawi sila. Whatever it takes, negotiation, if it will take giyera to get them out,” ani dela Rosa.

“Makipag-usap tayo, kung ayaw pakinggan makipag-giyera tayo. Di-pupuwede ‘yung we are at the mercy of the enemies of the state,” dagdag pa ng PNP Chief.

Nabatid pa na hindi unipormado ang mga pulis bagama’t may mga bitbit na mga armas nang harangin at bihagin ng mga rebelde ma­tapos na magtungo sa nasabing kapistahan sa imbitasyon ng kaibigan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with