^

Probinsiya

4 drug pushers, itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na drug pushers na naman ang itinumba sa magkakahiwalay na pamamaril ng vigilante group sa Pangasinan at Batangas kamakalawa.

Sa ulat ng Pangasinan PNP, dakong alas- 6:15 ng umaga nang matagpuan ang dalawang bangkay ng dalawang hindi kilalang lala­ki sa bisinidad ng Brgy. Babasit-Pugaro sa bayan ng Manaoag.

Narekober sa ibabaw ng bangkay ng dalawa ang isang karton na may nakasulat na “drug pusher in tandem, huwag tularan, may susunod pa”.

Isa sa mga biktima ay tinatayang may taas na 5’8, katamtaman ang pangangatawan,

Nakasuot ng camouflage na short at pulang t-shirt ang isa habang puting t-shirt ba­man at dilaw na short pants ang isa.

Samantala, bandang alas-9:20 naman ng umaga nang marekober ang bangkay ng isang lalaking na nakaberdeng t-shirt at nakahandusay sa bisinidad ng Ramon Diokno Highway sa Brgy. Payapa Ibaba sa Lemery, Batangas.

Sinasabing nakagapos, may masking tape sa mukha at tadtad ng mga tama ng bala ng M16 rifle.

Natagpuan din ang isa pang bangkay ng hindi kilalang lalaki  na sinasabing na isa ring drug pusher sa Barangay San Lucas, Lipa City, Batangas.

Nakuha naman ng mga awtoridad sa tabi ng bangkay ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm pistol.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with