^

Probinsiya

2 karnaper patay sa shootout

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

RIZAL, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng dalawang lider ng notoryus na carnapping group makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa  Manila East Road sa Barangay Batingan sa bayan ng Binangonan, Rizal, kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang isa sa dalawang napatay na si Ronald Marcos y Vital, lider ng Marcos Carnapping Group; at kanang kamay nito na nakilala lamang sa alyas “Allan”.

Ayon kay P/Senior Supt. Adriano Enong, Rizal PNP provincial director, nakatanggap sila ng impormasyon na may panibago na namang kinarnap na sasakyan ang grupo ni Marcos kaya mabilis na inilatag ang PNP checkpoint na pinamunuan nina P/Supt. Albert Tapulao, P/Supt. Noel Versoza, P/Supt. Elpidio Ramirez, P/Chief Insp. Melencio Arcita, at Lt. Allan Noveno.

Hindi naman nabigo ang mga operatiba sa natanggap na impormasyon matapos na mamataan ang paparating na nakaw na L-300 van na walang plaka.

Tinangkang parahin ng mga awtoridad pero sa halip na huminto ay pinaharorot ito at pinaputukan ang mga pulis.

Dito na sumiklab ang running gun battle na nag­resulta ng pagkamatay ng dalawa.

Narekober ang kinarnap na Mitsubushi L-300 FB van, cal. 45 pistol, cal. 38 revolver  at mga bala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with