^

Probinsiya

Babaeng tulak ng ilegal na droga itinumba sa Batangas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – “Pusher ako.”

Ito ang nakalagay sa sugatang katawan ng isang 29-anyos na babae nang matagpuan ng mga awtoridad sa Lemery, Batangas kagabi.

Kinilala ang biktimang si Luzviminda Groyon, isa sa mga nasa drug watchlist ng Lemery at residente ng Barangayy Cahilan 2.

Ayon sa pangunang imbestigasyon, bandang 8:40 kagabi nang pagbabarilin ng armadong kalalakihan si Groyon sa Marimar Ville Subdivision sa Barangay Bukal.

Kaagad tumakas ang mga suspek sakay ng isang gray na Toyota Innova na walang plaka.

Naisugod pa sa Batangas Provincial Hospital ang biktima ngunit hindi na umabot pa nang buhay.

Si Groyon na ang ikatlong taong kabilang sa drug watchlist ng lungsod na nasawi ngayong buwan ng Hunyo.

Naunang pinatahimik si Gregorio Lasmarias sa Barangay Maguihan noong Hunyo 3, kasunod naman si Jonalyn Mondelo matapos ang tatlong araw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with