^

Probinsiya

3-anyos dedo sa killer trak

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 3-anyos na nene matapos itong masagasaan ng trak habang tumatawid sa kahabaan ng Felipe Blvd. sa Barangay Caridad, Cavite City,Cavite kahapon ng umaga. Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Jamarie Casupanan ng nasabing lungsod. Arestado naman ng pulisya ang suspek na si Erickson Candort, 36, company driver, at nakatira sa #589 R. Palma Street sa Brgy. San Antonio Cavite City. Base sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia, nakikipaglaro ang biktima sa mga pinsan at kapatid nang bigla itong tumayo at tumawid sa kalsada. Gayunman, hindi naman napansin ng truck (WPX169) ang papatawid na biktima kaya ito nasalpok. Ayon sa pulisya, nakipag-areglo naman sa pamilya ng biktima ang driver at may-ari ng truck na si Armando C. Go Jr. ng 150 J. Miranda St. sa Sta. Cruz, Cavite City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with