^

Probinsiya

Misis nilikida ni mister

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay 22-anyos na misis na sinasabing selosa makaraang pagbabarilin ng sariling mister sa kanilang bahay sa Barangay Ambalgan, bayan ng Sto. Niño sa South Cotabato kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa tiyan ang biktimang si Shiela Mae Dela Cruz Ambalgan habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Mads Ambalgan na kapwa nakatira sa nasabing barangay. Nabatid na nasaksihan ng anak ng mag-asawa ang pag-aaway kung saan nagselos ang kanyang ina sa ama nito dahil sa sinasabing relasyon nito sa kapitbahay na dalaga. Nairita ang suspek sa tinuran ng kanyang misis kaya isinagawa nito ang pamamaril. Nagawa pang tulungan ng mister ang duguang misis subalit agad itong tumakas habang dinadala sa pagamutan ang biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with