^

Probinsiya

4 dedo sa encounter

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - Tadtad ng tama ng bala ang katawan ng apat na lalaki matapos umanong makipagbarilan sa pulisya habang isinisilbi  ang search warrant sa Purok Saway, Labangal, General Santos City, South Cotabato.

Kinilala ang mga nasawi na sina Banny Marohombsar, may-ari ng bahay na hinalughog ng pulisya; Jasper Calapia Tondog; James Mercado at isang alias Pogi, pawang residente ng Purok Saway, Labangal.

Inaresto naman sa lugar ang isang Tintin Tan dahil may bitbit na caliber .45 pistol. Batay sa ulat, pasado alas-9:00 kamakalawa bitbit ng Regional Special Investigation Detection Team ang search warrant at isinilbi sa bahay  ni Marohombsar sa Maguindanao, Labangal sa lungsod.

Ayon kay P/Supt. Maximo Sebastian Jr, hepe ng RSIDT-12, pumalag at nanlaban ang mga suspek sa mga pulis na nagtangkang pumasok sa naturang bahay sanhi ng barilan.

Matapos ang ilang minutong palitan ng putok, bumulaga sa mga pulis ang mga nakatimbuwang na suspek na agad na dinala sa Mindanao Medical Center pero idineklarang dead-on-arrival. Nakuha sa lugar ang apat na revolver, isang sumpak, mga bala at pitong sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with