Contractor dedo sa ambush
MANILA, Philippines - Napatay ang 45-anyos na contractor matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa harapan ng eskuwelahan sa Barangay Nalsian, bayan ng Manaoag, Pangasinan kamakalawa. Idineklarang patay sa Manaoag Community Hospital ang biktimang si Jeric Bambalan ng Barangay Lelemaan sa nasabing bayan. Sa ulat ng Pangasinan PNP na isinumite sa Camp Crame, lumilitaw na nagmomotorsiklo ang biktima sa kahabaan ng provincial road nang ratratin ng riding-in-tandem assassins pagsapit sa harapan ng Nalsian Elementary School. Inaalam ng pulisya kung may kaugnayan sa trabaho ng biktima ang naganap na pamamaslang.
- Latest