^

Probinsiya

Lending collector utas sa highway robbery

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lending collector utas sa highway robbery
Kinilala ni P/Supt. Bernard Tayong, spokesman ng North Cotabato PNP ang biktima na si Jerson Bation, kolektor ng Asa Philippine Foundation na nakabase sa nasabing lalawigan.
Philstar.com/File Photo

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang 23-anyos na lending collector matapos itong pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan na tumangay sa malaking ha­laga ng pera sa madugong highway robbery sa Barangay Malanduage, bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Bernard Tayong, spokesman ng North Cotabato PNP ang biktima na si Jerson Bation, kolektor ng Asa Philippine Foundation na nakabase sa nasabing lalawigan.

Nasapul sa ulo at hindi na umabot ng buhay sa Kidapawan Hospital.

Ayon sa pulisya, nagmomotorsiklo ang biktima kung saan dala ang pe­rang nakolekta nito para sa kanilang lending firm nang harangin at pagbabarilin sa kahabaan ng highway na may anim na kilometro mula sa nasabing bayan.

Sa pahayag ng mga testigo, napuruhan ang biktima at saka hinablot ang bag na dala nito na pinaglalagyan ng perang nakolekta at mga personal na gamit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with