^

Probinsiya

2 nene nilamon ng ilog

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Magkasabay na namatay ang magkaibigang nene makaraang malunod habang naliligo sa ilog sa Barangay Caypombo, bayan ng Santa Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon. Naisugod  naman sa Rogasciano M. Mendoza Memorial Hospital subalit hindi na umabot ng buhay ang mga biktimang sina Anya Pauline Abelos, 8; at Francine Dixie Campos, 10, mga nakatira sa Brighthomes Subdivision sa nabanggit na barangay. Base sa ulat na nakarating sa Camp Alejo Santos, nagkayayaangmaligo sa ilog na likuran ng kanilang bahay ang magkaibigang nenew kasama ang ilang kalaro. Nang bumuhos ang malakas na ulan ay nagpasyang umahon ang mga biktima subalit nadulas at nahulog sa ilog kung saan tinangay ng malakas na agos ng tubig. Naiahon naman ang mga biktima subalit hindi na umabot ng buhay sa ospital.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with