^

Probinsiya

Mister pisak sa trak, 3 pa sugatan!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO, Quezon, Philippines - Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang 56-anyos na mister makaraang madaganan ng kanyang kinukumpuning Elf truck na binangga nang nawalan ng prenong owner type jeep sa provincial road ng Bgry. Pury kamakalawa ng madaling-araw.

Nagtamo ng grabeng kapinsalaan sa ulo at katawan ang biktimang si Nestor Rosales ng Brgy. Sampaloc 2, Sariaya, Quezon. Ginagamot naman sa Candelaria District Hospital sanhi ng mga sugat sa katawan ang driver ng nakabanggang owner type jeep (NVY-575 ) na si Mark Cesary Lumagbas ng Padre Garcia, Batangas at ang dalawa pang sakay ng elf na sina Isabelo at Kim Kerby Hernandez.

Habang inaayos ni Rosales ang gulong ng minamanehong sasakyan sa gilid ng highway dakong alas 4:15 ng mada­ling-araw nang bigla na lamang itong sinalpok ng owner ni Lumagbas at dahil sa lakas ng impact ay dumagan ang kalahati ng trak sa katawan at ulo ng nasawi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with