^

Probinsiya

74-anyos lola nalunod sa beach

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang ba­kasyunistang lola makaraang aksidenteng malunod habang naliligo sa isang beach resort sa Brgy. No­nong Castro, Lemery, Batangas kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Julita Elinon, ng Brgy. Magdalo, Imus City, Cavite na nasawi habang nilalapatan ng lunas.

Sa ulat ng Batangas Police, bandang alas-11 ng tanghali nitong Biyernes nang mangyari ang trahedya sa Rosman Beach Resort na matatagpuan sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, nagtungo ang pamilya ng nasabing lola sa beach resort upang mag-swimming dahil sa sobrang init ng panahon. Kasalukuyan umanong lumalangoy ang matanda nang mapansin ng isang Stephanie Alavada na nakasubsob na sa tubig ang biktima at nang lapitan niya ito ay hindi na gumagalaw.

Nagawa pang maisugod sa Batangas Provincial Hospital ang matanda pero idineklara na itong dead-on- arrival sa pagamutan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with