^

Probinsiya

Bagitong pulis bulagta sa sigang lolo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang “rookie cop” matapos siyang pagbabarilin ng isang matandang lalaki na siga sa ka­nilang lugar na aarestuhin ng mga awtoridad matapos masangkot sa indiscriminate firing sa Purok, Maligaya, Brgy. Salawagan, Quezon, Bukidnon kamakalawa.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Bukidnon Provincial Hospital ang biktima na si PO1 Rubie Zaballero bunga ng tama ng garand rifle sa dibdib.

Samantalang arestado naman ang suspek at ngayo’y bantay sarado sa pagamutan na kinilalang si Rene Magbanua, 61 anyos, hiwalay sa asawa, na nagtamo ng tama ng bala sa paa.

Sa ulat ng Bukidnon Police, dakong alas-8 ng umaga nang magresponde ang mga operatiba ng pulisya matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa pagkakasangkot sa indiscriminate firing ng matanda na ikinabulabog ng mga kapitbahay nito.

Gayunman, sa halip na sumuko ay pumosisyon ang matanda at pinuntirya ng putok si Zaballero.

Napilitan naman ang mga pulis na gumamit ng puwersa at binaril ang suspek sa paa matapos siyang tumangging sumuko at paputukan pa ng sunud-sunod ang arresting team.

Nakumpiska ng mga ope­ratiba mula sa suspek ang garand rifle at mga bala ng nasabing armas. Nahaharap sa kasong kriminal ang suspek dahil sa paglabag sa Comelec gun ban.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with