^

Probinsiya

Diver patay sa retrieval ops sa lumubog na bangka

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang isang 47-anyos na diver nang dumaing ng paninikip ng dibdib matapos na magboluntaryong sumama sa mga rescuers upang hanapin ang mag-amang nawawala sa isang lumubog na bangka sa Taal Lake, Talisay, Batangas, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Emmanuel Apolinar, tubong Paluan, Occidental Mindoro na binawian ng buhay dakong alas-8:30 ng umaga nitong Abril 28 sa Batangas Medical Center.

Ayon sa pagsusuri, dumanas ng cardiac arrest o atake sa puso ang biktima bu­nga ng sobrang pagod sa ilang araw na diving dahil sa isinasagawang search and retrieval operation sa nalunod na mag-amang sina Michael Aala at anak na si Von Johann Aala, pawang sa Pulo island sa Talisay.

Sa ulat ng Batangas Police nagboluntaryong tutulong ang biktima sa retrieval operation ng Philippine Coast Guard at Talisay Police sa mag-amang Aala na may ilang araw nang pinaghahanap matapos na lamunin ng lawa.

Lulan umano ang mag-ama ng isang bangka at sa kamalasan ay lumubog ito habang naglalayag sa nasabing lawa kamakailan.?

Agad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad  noong Abril 26 hanggang bandang alas-3  ng hapon sa ikalawang araw ng pagha­hanap sa missing na mag-ama ay dumaing ito ng paninikip ng dibdib.

Nagawa pang maisugod ang volunteer diver sa St. Andrew Hospital bago sya inilipat sa Batangas Medical Center kung saan tuluyan nang binawian ng buhay nitong Huwebes ng umaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with