^

Probinsiya

6 paaralan sa Maguindanao, pinasabog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anim na eskuwelahan na nakatakdang gawing polling precincts ng Come­lec ang pinasabog ng mga armadong kalalakihan sa bayan ng Sultan Mastura, Maguindanao kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni Maguindanao PNP Director P/Senior Supt. Nicson Muksan na isinumite sa Camp Crame, pasa­do alas-12:05 ng madaling araw, magkakasunod na pinasabog gamit ang improvised explosive device (IED) ang anim na eskuwelahan sa nasabing bayan.

Ang Maguindanao ay kabilang sa siyam na nai­deklarang areas of immediate concern ng PNP at Co­melec kaugnay sa nalalapit na pambansang halalan sa Mayo 9, 2016.

Kabilang sa mga eskuwelahan na pinasabog ay ang Dagurungan Elementary School sa Brgy. Darugur­ngan; Tuka Elementary School sa Brgy. Tuka; Darping Elementary School sa Brgy. Macabiso; Tariken Elementary School, Day Care schools sa Brgy. Tariken; at ang Simuay Seashore Elementary School sa Brgy. Simuay.

Nabatid na napinsala ang computer room sa Simuay Seashore Elementary School kung saan nasa walong computer na gagamitin sa eleksyon ang naapektuhan.

Samantala, lumikha rin ng malaking butas sa sementadong sahig ng paaralan ang sumabog na eksplosibo na inihagis sa bintana.

Narekober ang dalawang asul na plastic container, dalawang grenade safety levers, walong piraso ng basyo ng bala ng cal. 7.62 mm at basyo ng 5.56mm mula sa mga pinasabog na eskuwelahan gayundin ang metallic fragments ng bomba.

Nabatid na una nang ipi­nabatid sa Comelec ng mga guro sa lalawigan na natatakot silang magsilbing Board of Election Inspectors (BEIs) dahil sa mga pagbabanta ng pa­nanabotahe sa halalan tulad ng mga pambobomba at pamamaril sa mga polling precincts.

Sa tala, apat na kandidato ang naglalaban sa mayoralty race sa nasabing bayan kung saan aabot sa 12,899 residente ang re­histradong botante.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with