^

Probinsiya

3 bayan sa Sorsogon isinailalim sa EWA

Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Inilagay na ng Comelec sa talaan ng election watchlist area ang mga bayan ng Juban, Gubat at Sorsogon City sa Sorsogon kamakalawa dahil sa banta ng kaguluhan kaugnay sa nalalapit na May 9 elections.

Ayon kay PRO5 Information Officer P/Senior Inspector Ma. Luisa Calubaquib, ang pagsasailalim sa wacthlist area ng Juban, Gubat at Sorsogon City ay base na rin sa validation ng Provincial Joint Security Coordinating Council at sa rekomendasyon ng Provincial Director ng Lalawigan.

Ang hakbang ng Comelec ay dahil sa mainit na  political rivalry ng magkakalabang pulitiko, lumalakas na presensya ng mga rebelde at ang mga harassement laban sa mga kandidato tulad ng  pananakot ng armadong kalalakihan sa grupo ng kumakandidatong gobernador na si Eric Dioneda ng PDP-Laban sa Sorsogon City noong Abril 3.

Pinag-aaralan na rin na isailalim ang mga bayan ng Barcelona at Matnog dahil sa pagpapaputok ng mga armadong grupo kung saan natigil ang  political rally ng vice ma­yoralty bet ng Partidong Liberal.

Samantala, sa bayan ng Matnog  ay napatay naman ang kumakandidatong councilor ng UNA.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with