^

Probinsiya

Bus vs jeep: Kundoktor utas, 7 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon, Philippines - Nabasag ang bungo at namatay ang konduktor ng pampasaherong bus habang pito naman ang nasugatan makaraang makabanggaan ng bus ang kasalubong na cargo jeep sa tulay ng Iyam sa Barangay Domoit, Lucena City sa Quezon kahapon ng madaling araw.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Joel de Mesa, hepe ng Lucena City PNP, nakilala ang namatay na si Reynaldo Teofilo, konduktor ng AB Liner Bus at nakatira sa Tagkawayan, Quezon.

Ginagamot naman sa Quezon Medical Center ang mga sugatang pasahero ng bus na sina Remy Reyes, Alma Glinoga ng Lopez, Quezon; Ariel Quisto, Maricris Llaba, mga nakatira sa Antipolo City, Rizal; pahi­nante ng jeep na si Lenard Malina, Alberto Jubilo, driver ng AB Liner Bus; at ang driver ng jeep na si Arnel Barbacena.

Ayon kay SP02 Allan Ocampo, offier on case, naganap ang aksidente dakong alas-4:30 ng madaling araw sa mismong Iyam Bridge.

Patungo sa Tagkawayan ang AB Liner Bus (DWU-555) ni Jubilo kung saan ay natumbok nito ang jeep (CHU-750) na kargado ng mga coco lumber at patungo sa Sariaya, Quezon na minamaneho ni Barbacena.

Tumilapon ang konduktor mula sa bus kung saan bumagsak sa batuhang ilog.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with