^

Probinsiya

4 katao dakma sa pot session sa hotel

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat katao ang inaresto ng mga otoridad makaraan ang mga itong maaktuhang nagsasagawa ng pot session sa isang kuwarto sa isang hotel sa Brgy. Balisong, Taal, Batangas nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina  Marlyn Parra, Jake Pilapil, Mariniel  Vistro at  John Julio Chanco.

Sa ulat ng Batangas Police, dakong alas-11:30 ng gabi nang masakote ang mga suspek sa loob ng nirentahan nilang silid sa Sweet Dreams Hotel sa nasabing pamosong lugar na dinarayo sa Batangas.

Bago ang operasyon ay nakatanggap ng impormasyon ang Taal Police hinggil sa illegal na aktibidades ng mga suspek  kaya agad ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. 

Nasamsam mula sa mga suspek ang 1.8 gramo ng shabu, aluminum foil, tooter,apat na piraso ng lighter at isang plastic sachet pa ng residue ng shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with