^

Probinsiya

Misis bulagta sa mister na parak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naging madugo ang pagdiriwang sa nalalapit na Araw ng mga Puso sa isang mag-asawa makaraang pagbabarilin at mapatay ng pulis na mister ang kanyang misis sa gitna ng mainitang pagtatalo sa Davao City nitong Biyernes ng madaling-araw.

Idineklarang dead-on-arrival sa San Pedro Hospital ang biktimang si Lorna Abacan Adug sa tinamong apat na tama ng bala sa likuran at kanang bahagi ng katawan gayundin sa kanyang kanang hita.

Pinaghahanap naman ang tumakas na mister na si PO3 Arvin Adug, 38 anyos, nakatalaga sa Davao del Sur Provincial Public Safety Company (PPSC).

Sa ulat ng Davao City Police, naitala ang krimen sa harapan ng Net Express Café sa kahabaan ng Sta. Ana Avenue, Davao City dakong ala-1:50 ng mada­ling araw. Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa hinggil sa kanilang problema sa relasyon. Nang marindi ang nasabing parak ay binunot ang baril nito at pinaputukan nang sunud-sunod ang kanyang misis na duguang lumugmok sa kalye.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek habang narekober sa pinangyarihan ng krimen ng mga nagrespondeng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team ang mga bala ng cal. 9mm caliber na isasailalim sa ballistic exa­mination.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with