7 arestado sa drug operation
QUEZON, Philippines – Pito-katao na sinasabing notoryus na drug peddler ang nasakote sa inilatag na drug bust operation ng pulisya sa Sitio Labak, Barangay Poblacion sa bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang mga suspek na sina Crisitina Magnaye, 55; Charito Lat, 46; Jennifer Plamiano, 33; Evangeline Delantar, 44; Demetria Sampollo, 39; Dexter Guino, 35; at si Rico Roxas, 38. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Giovanni Hyacinth Caliao, hepe ng Candelaria PNP, nasakote sina Magnaye at Lat sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kung saan itinuro naman ng dalawa ang drug den na kinaroroonan ng iba pang suspek. Hindi na nakapalag ang iba pang suspek nang arestuhin kung saan nakumpiskahan ng 7 plastic sachet na shabu at mga drug paraphernalia.
- Latest