Ex-PAF nilikida ng tandem
BULACAN, Philippines – Napatay ang 49-anyos na dating sundalo ng Phillipine Air Force (PAF) matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding assassins sa bahagi ng Barangay Subic sa bayan ng Baliwag, Bulacan kahapon ng madaling araw. Limang tama ng bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Jonathan De Leon ng Calderon Street sa Brgy. Subic sa nabanggit na bayan. Sa imbestigasyon nina PO2 Marvin Perez at PO2 Christopher Santiago, pauwi na ang biktima nang harangin at ratratin ng tandem pagsapit sa nasabing lugar. Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala ng cal. 45 pistol at mga personal na gamit ng biktima habang patuloy naman ang pagsisiyasat.
- Latest