^

Probinsiya

Karnaper dedo sa shootout

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang sinasabing notoryos na karnaper matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bahagi ng Purok Krislam, Brgy. Poblacion sa bayan ng Kabacan, North Cotabato, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Senior Insp. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang napatay na si Ramil Piang ng Barangay Pedtad. Batay sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na may grupo ng karnaper sa bisinidad ng Mantawil Street malapit sa slaughter house sa nasabing barangay. Kaagad na rumesponde ang mga awtoridad na nauwi sa barilan kung saan napatay si Piang habang tumakas naman ang mga kasama nito. Nabatid na si Piang ay sangkot sa serye ng carnapping at  suspek sa pagpaslang sa kanyang ka-live-in sa Brgy. Pedtad. Nasamsam kay Piang ang isang granada, M67 at mga bala ng cal.45 pistol.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with