Barker nangulit dinedo ng driver
BULACAN, Philippines – Napatay ang 56-anyos na barker matapos itong saksakin ng drayber sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Cutcot, bayan ng Pulilan, Bulacan kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot ng buhay sa Our lady of Fatima Hospital ang biktimang si Eduardo Torres ng Cagayan Valley Road, Brgy. Sta. Barbara sa bayan ng Baliwag. Tinutugis naman ang suspek na si Alejandro Tapic, 46, drayber, ng Brgy. Longos sa bayan ng Pulilan. Sa imbestigasyon ni PO3 Jimmy Alfonso, nabatid na kinulit ng biktima ang suspek na natutulog sa harapan ng Laundry De Pulilan sa Doña Remedios Trinidad Highway. Naalimpungatan ang suspek sa ginawang pambubulabog ng biktima kaya ito nagalit na nauwi sa pananaksak.
- Latest