^

Probinsiya

CDC, PDI lumagda sa kasunduan

Pilipino Star Ngayon

PAMPANGA, Philippines – Nilagdaan  ng Clark Development Corporation (CDC) at South Korean furniture manufacturer Punta Design, Inc. ang kasunduan para sa pagpapalawak ng operasyon ng nasabing kumpanya sa loob ng Clark Freeport Zone.

Ayon kay PDI President and Chief Executive Officer Byung Mo Lee, magbibigay daan ang kasunduan upang matupad ang pangarap ng PDI na magtayo ng kumpanya sa loob ng Clark Freeport na gagawa ng mga muwebles gamit ang rattan bilang pangunahing materyales.

Sa ilalim ng nasabing kasunduan, maglalaan ang PDI ng P50 milyon sa 2016 para sa pagpapalawak ng kanilang operasyon.

Sakop ng nasabing proyekto ang kabuuang 9,314 square meter, at inaasahang masisimulang mapatakbo sa Setyembre 2016.

Inaasahan ding magbibigay ito ng trabaho sa karagdagang 100 manggagawa kung saan ang Punta Design Philippines ay isang overseas affiliated company ng Punta Design, USA.

Ito ay isang rehistradong sub-lessee locator sa Clark Freeport Zone simula pa noong 2014.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with