^

Probinsiya

3 kalahok sa Ironman sugatan sa road mishap

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlong kalahok sa Ironman challenge ang nasugatan sa naganap na magkahiwalay na sakuna sa mga bayan ng Pagudpud at Bangui sa Ilocos Norte noong Sabado ng umaga.?

Kinilala ni P/Chief Insp. Jonathan Papay, taga­pagsalita ng Ilocos Norte PNP ang mga isinugod sa pagamutan na sina Nazer Mohammed, 47, Indian national; Anjelian Tenorio Relente, 26, mga residente sa Muntinlupa City; at si Emmanuel Ilagan Balmes, 36 , IT technician at nakatira sa Pasig City.?

Lumalabas sa imbestigasyon na nasagi ang motorsiklo nang lumiko sa kabilang linya ang  Chevrolet SUV ni Orlando De Leon sa kahabaan ng highway sa Brgy. San Lorenzo sa bayan ng Bangui.?

Tumilapon at nagpagulung-gulong sa kalsada sina Mohammed at Relente na kapwa naman naisugod sa Governor Roque Ablan Sr. Memorial Hospital sa Laoag City habang sumuko naman si De Leon sa pulisya. ?

Samantala, nabangga at kinaladkad pa ng SUV ni Roderick Panes si Balmes at motorsiklo nito matapos sumadsad sa kurbadang bahagi ng highway sa Brgy. Caunayan sa bayan ng Pagudpud.

Naisugod naman sa Bangui District Hospital ang biktimang si Balmes habang sumuko naman sa pulisya si Panes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with