^

Probinsiya

9-anyos nene sinalo ang saksak para sa ina

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napatay ang 9-anyos na nene matapos nitong saluhin ang saksak ng kaniyang senglot na ama para sa kaniyang ina sa gitna ng mainitang pag-aaway ng mag-asawa sa Barangay Maluray, bayan ng Dalaguete, Cebu noong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ni P/Supt. Renato Dugan na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Kimberly Tangpos na nagtamo ng malalim na saksak sa kaliwang dibdib.

Nahaharap naman sa kasong parricide ang suspek na si Marcelo Buenavinti Tangpos, 36.

Naitala ang krimen bandang alas-8 ng gabi sa bahay ng pamilya Tangpos kung saan senglot na umuwi si Marcelo.

Sumiklab ang pagta­talo ng mag-asawa dahil sinermon ng misis na si Bernadette Flores ang suspek sa pagkagumon sa alak na humantong pa sa pananakit ng mister sa kaniyang misis.

Samantala, bunga naman ng ingay na nilikha ng pag-aaway ng mag-asawa ay nagising ang natutulog na biktima.

Sa kainitan ng pagtatalo ay biglang sumunggab ng patalim ang suspek at akmang sasaksakin ang kaniyang misis nang bilang sumangga si Kimberly sa pagtatangkang pigilan ang ama.

Bunga nito, minalas na tamaan ng saksak sa kaliwang dibdib ang bata kaya namatay kung saan sumuko naman sa pulisya ang ama ng biktima.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with