^

Probinsiya

Mag-asawa niratrat ng kapamilya

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang mag-asawa matapos pagbabarilin ng kapatid na lalaki ng isa sa mga biktima matapos ang mainitang pagtatalo sa Brgy. Caosucan Sur, Asingan, Pangasinan nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ng Pangasinan Police, kapwa dead-on-arrival sa Asingan Community Hospital ang mga biktimang sina Crisanto Obillo, 49, at misis nitong si Joane Obillo, nasa hustong gulang matapos magtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa kanilang mga katawan.

Ang suspek na tumakas ay si Mario Obillo, 43 , kapatid ng napatay na mister. 

Base sa imbestigasyon, naitala ang krimen sa tahanan ng mag-asawa bandang alas-6:00 ng gabi matapos na magtalo ang magkapatid.

Agad na bumunot ng baril ang suspek at pinagbabaril nang sunud-sunod ang kaniyang kuya at hipag saka mabilis na tumakas.

Sa inisyal na imbestigasyon na alitan sa pamilya ang motibo ng krimen.

vuukle comment

ANG

ASINGAN

ASINGAN COMMUNITY HOSPITAL

BIYERNES

BRGY

CAOSUCAN SUR

CRISANTO OBILLO

JOANE OBILLO

MARIO OBILLO

PANGASINAN

PANGASINAN POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with