^

Probinsiya

Totoy nakalunok ng isda, patay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang 11-anyos na totoy matapos itong makalunok ng lizard fish habang nangingisda kasama ang kanyang mga kaibigan sa dalampasigan ng Barangay Bogo sa bayan ng Maria, Siquijor noong Linggo ng hapon.

Naisugod naman sa Maria Health Center subalit hindi na umabot ng buhay ang biktimang si Jeck Ian Carillo.

Sa ulat ni PO2 Jay Duhaylungsod ng Siquijor Provincial Police Office, nangingisda ang biktima kasama ang mga kaibigan nang makahuli ito ng lizard fish sa pamamagitan ng sibat.

Gayon pa man, kinagat nito sa ulo ang nasabing isda subalit aksidenteng nalulon at bumara sa lalamunan.

Tinangka naman ng mga kaibigan na hilahin ang isda sa bibig ng biktima subalit masyadong madulas kaya isinugod sa health center kung saan hindi na umabot ng buhay.

Nabatid na nangingisda ang biktima para tulungan ang kanyang mga magulang sa araw-araw na pangkain. Freeman News Service

vuukle comment

ANG

BARANGAY BOGO

FREEMAN NEWS SERVICE

GAYON

JAY DUHAYLUNGSOD

JECK IAN CARILLO

LINGGO

MARIA HEALTH CENTER

NABATID

NAISUGOD

SIQUIJOR PROVINCIAL POLICE OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with