^

Probinsiya

Inhinyero dedo sa ambush

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Napatay ang 37-anyos na inhinyero habang kritikal naman ang kasama nito makaraang tambangan ng mga di-kilalang kalalakihan na lulan ng tatlong motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Bagbaguin, bayan ng Santa Maria, Bulacan kahapon.

Namatay habang ginagamot sa Rogasciano M. Mercado Memorial Hospital ang biktimang si Jezyriel Beturin habang patuloy na ginagamot ang negos­yanteng si Niño San Gabriel na kapwa nakatira sa Barangay Santa Clara sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jonathan Mañacap, lumilitaw na patungong Bocaue sina Berutin at San Gabriel lulan ng Toyota SUV (NSG 55) nang pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihang lulan ng tatlong motorsiklo.

Bumangga ang SUV ng mga biktima sa kasalubong na truck kung saan kaagad ding tumakas ang gunmen.

Narekober sa crime scene ang sampung basyo ng bala ng baril habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

BARANGAY BAGBAGUIN

BARANGAY SANTA CLARA

JEZYRIEL BETURIN

JONATHAN MA

MERCADO MEMORIAL HOSPITAL

ROGASCIANO M

SAN GABRIEL

SANTA MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with