^

Probinsiya

Puso ng lola kinain ng sariling apo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Animo’y cannibal ang 19-anyos na tinedyer matapos gutayin at wasakin ang dibdib ng kanyang 85-anyos na lola saka kainin ang tumitibok pang puso nito sa loob ng kanilang bahay sa Purok Kabukiran sa Barangay Tapi, Kabankalan City, Negros Occidental kahapon ng madaling araw.

Sa pahayag ni P/Supt. German Garbosa, hepe ng Kabankalan PNP, inamin ng suspek na si Ruben Fernandez Jalaman na pinatay niya ang lolang si Olivia Rapel Jalaman saka kinain ang puso nito.

Isasailalim sa psychiatric tests ang suspek para madetermina ang kalagayan ng kanyang pag-iisip.

Napag-alamang nakarinig ng palahaw ang ilang kapitbahay mula sa kinaroroonan ng matanda kaya tinungo ng mga barangay tanod.

Bumulaga sa mga tanod ang duguang katawan ng matanda sa loob ng kanyang bahay kung saan wasak ang dibdib nito at nawawala ang puso kung saan nakita ang suspek na duguan ang mga kamay nito.

Nang tanungin ng mga tanod ang suspek ay sinabi nitong napagtripan niyang kainin ang puso ng matanda.

Kaagad namang inaresto ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya kung saan paulit-ulit na sinasabi ng tinedyer na napagtripan niyang kainin ang puso ng matanda.

Wala namang narinig na sigawan ang mga kapitbahay na nag-aaway ang maglola bago maganap ang kalunus-lunos na sinapit ng matanda. Isinalin sa Tagalog ng patnugot

vuukle comment

ANG

BARANGAY TAPI

BUMULAGA

GERMAN GARBOSA

ISASAILALIM

ISINALIN

KABANKALAN CITY

NEGROS OCCIDENTAL

OLIVIA RAPEL JALAMAN

PUROK KABUKIRAN

RUBEN FERNANDEZ JALAMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with