^

Probinsiya

Ozu ng Masculados Dos dedo sa karnaper

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

RIZAL, Philippines – Patay ang 29-anyos na miyembro ng Masculados Dos at TV actor na sinasabing pumalag sa mga karnaper matapos itong ratratin ng mga di-kilalang lalaki malapit sa gate ng Primrose Hills Subd. sa bayan ng Angono, Rizal kahapon ng madaling araw.

Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Ozu Ong na Marcy Jhay Ong sa tunay na buhay at nakatira sa Primrose Hills Subdivision sa bayan ng Angono.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Teresa Niña, papauwi na ang biktima nang harangin ng mga karnaper kung saan pinupu­wersang bumaba ng kanyang itim na Toyota Hi-lux na may plakang AAO 2722.

Gayon pa man, tumanggi si Ong sa kagustuhan ng mga di-kilalang lalaki kaya siya binoga kung saan tinangay pa rin ang sasakyan ng biktima bago tumakas.

Si Ong na tinanghal na Mr. AMA Antipolo noong 2007 ay gumanap na rin sa ilang programa sa telebisyon tulad ng TV series na Little Star kung saan co-model siya ni Lovi Poe.

Naging kaibigan siya ni Mark Anthony Fernandez sa seryeng Munting Heredera at bodyguard naman ni Al Tantay sa programang Gumapang Ka sa Lusak noong 2010.

vuukle comment

AL TANTAY

ANGONO

GUMAPANG KA

LITTLE STAR

LOVI POE

MARCY JHAY ONG

MARK ANTHONY FERNANDEZ

MASCULADOS DOS

MUNTING HEREDERA

OZU ONG

PRIMROSE HILLS SUBD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with