^

Probinsiya

12 BIFF, 4 sundalo todas sa bakbakan

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa labing-dalawang miyembro ng Bangsa­moro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at apat na sundalo ang napaslang sa serye ng bakbakan kamakalawa sa Maguindanao.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Pio Gregorio Catapang Jr., nagtamo rin ng 14-sugatan ang BIFF habang dalawa na­man ang nadagdag na sugatan sa hanay ng mga sun­dalo.

Sumiklab ang bakbakan dakong alas-9 ng umaga sa liblib na bahagi ng Barangay Mala­ngog, Datu Unsay at bandang alas-9:50 naman ng umaga sa Brgy. Pamalian, Shariff Saydona sa Maguindanao.

Nakasagupa ng Army’s 6th Scout Ranger Company sa pamumuno ni Captain Blas Alsiyao ang grupo ni Comander Bungos  na nasundan naman ng panibagong bakbakan.

Sa panibagong bakbakan naman sa tropa ng Army’s 34th Infantry Battalion at grupo ng mga bandido ay napatay ang lider ng BIFF na si Yusoph Abesalih alyas Commander Bisaya na sinasabing sangkot sa pagmasaker sa 44 Special Action Force (SAF) commandos sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Kahapon ay pormal na ring tinapos ng AFP troops ang open­siba laban sa BIFF kung saan umabot sa kabuuang 151 bandido ang napatay habang 65 naman ang nasugatan at 12 ang nasakote simula noong Pebrero 21.

Sa panig ng AFP, sampung sundalo ang namatay at aabot naman sa 30 ang nasugatan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY MALA

CAPTAIN BLAS ALSIYAO

CHIEF OF STAFF GEN

COMANDER BUNGOS

COMMANDER BISAYA

DATU UNSAY

INFANTRY BATTALION

ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

MAGUINDANAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with