^

Probinsiya

2 guro kinidnap ng Abu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang guro ang dinukot ng mga armadong kala­lakihan na natukoy na mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group sa panibagong insidente ng kidnapping sa Barangay Moalboal, bayan ng Talusan, Zamboanga Sibugay noong Huwebes.

Kinilala ang dalawa na sina Reynadit Silvano, 34; at Russel Bagonoc, 22, kapwa guro sa Tuburan Elementary School at mga residente sa nasabing lugar.

Base sa police report na isinumite sa Camp Crame, dakong alas-7:30 ng umaga habang ang mga biktima ay magkaangkas sa motorsiklo patungong eskuwelahan nang harangin ng mga armadong bandido.

Walang nagawa ang mga biktima matapos na tutukan ng baril at isakay sa pumpboat sa tabing dagat na mabilis tumalilis patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Natukoy naman ang mga suspek na sina Naim Sabdani, Mansul Sabdani, at si Amadan Sabdani na pawang magkakapatid; Edimar Isnain, at dalawang iba pa na mga kasapi ng Abu Sayyaf na nakabase sa Basilan at Sulu.

Samantala, nagsilbing susi sa pagkakakilanlan sa mga suspek ay ang motorsiklo at sasakyan na inabandona malapit lamang sa bahay ni Kapdul Hadjiula na kapatid na babae ng isa sa mga kidnaper.

Nang imbitahan sa pulisya ay ikinanta naman ni Hadjiula na miyembro ng Abu Sayyaf Group ang kaniyang kapatid at mga kasamahan nitong suspek.

Nadiskubre ang insidente ng pulisya matapos ipaabot ni Konsehal Darkum Jailani ang pagdukot sa dalawang guro.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

AMADAN SABDANI

BARANGAY MOALBOAL

CAMP CRAME

EDIMAR ISNAIN

KAPDUL HADJIULA

KONSEHAL DARKUM JAILANI

MANSUL SABDANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with