^

Probinsiya

Mister dinedo ng kumpare dahil sa telebisyon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil lamang sa pagtatalo sa paboritong palabas sa magkalabang istas­yon ng dalawang sikat na television network, napatay sa pakikipagsaksakan sa kanyang kumpare ang isang lalaki sa Barangay Guilig, bayan ng Mangaldan, Pangasinan kamakalawa.

Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Jose Pimentel habang nakikipaglaban naman kay kamatayan ang nakasaksakan nitong si Desirio de Vera, 46, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Sa ulat ni P/Supt. Reynaldo Biay, director ng Panga­sinan Provincial PNP Office, lumilitaw na maaga pa lamang ay nag-iinuman na ang magkumpare habang nanonood ng ng telebisyon.

Gayon pa man, pinihit ng suspek sa ibang channel ang telebisyon kaya nagalit ang biktima dahil hindi nito naibigan ang palabas hanggang sa nauwi sa mainitang pagtatalo ng dalawa. Tinarakan ng suspek sa dibdib ang biktima na kumuha rin ng patalim at nakipagsaksakan sa kaniyang kumpare.

vuukle comment

BARANGAY GUILIG

DAHIL

DESIRIO

GAYON

JOSE PIMENTEL

MANGALDAN

NAPURUHAN

PANGASINAN

REYNALDO BIAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with