^

Probinsiya

Secretary utas, abogado sugatan sa ambush

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Patay ang isang 20-anyos na sekretarya samantalang sugatan ang kasamang abogado matapos silang tambangan ng riding-in-tandem sa bayan ng Nasugbu noong Sabado ng hapon.

Kinilala ni Nasugbu police chief, Chief Inspector Pablo Aguda ang nasawi na si Irish Dimayuga, residente ng Barangay Cogunan, Nasugbu samantalang sugatan ang kaibigan nitong si Atty. Briccio Contreras, 53, residente ng Lian sa Batangas.

Ayon sa report, sakay sina Dimayuga at Contreras sa Toyota Avanza (ZGT-880) patungong Lian mula sa Nasugbu nang tapatan sila at pagbabarilin ng mga di kilalang suspek pagsapit sa may highway ng Barangay Cogunan bandang alas-2:40 ng hapon.

Dead-on-the-spot si Dimayuga dahil sa tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo habang ginagamot sa Western Batangas Medical Center sa Balayan si Contreras matapos magtamo ng tama ng bala sa kaliwang baba.

Sinisilip ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril sa awayan sa lupa dahil sa hindi pagkakaunawaan nina Contreras at sa kanyang mga kapatid na naninirahan umano sa abroad, ayon kay Aguda.

Nakarekober ang pulisya ang isang basyo ng kalibre 45 pistol sa pinangyarihan ng krimen.

vuukle comment

BARANGAY COGUNAN

BRICCIO CONTRERAS

CHIEF INSPECTOR PABLO AGUDA

CONTRERAS

DIMAYUGA

IRISH DIMAYUGA

LIAN

NASUGBU

TOYOTA AVANZA

WESTERN BATANGAS MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with