^

Probinsiya

Stude ni-rape, nabuntis ng guro

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang guro na dating seminarista matapos itong arestuhin ng pulisya kaugnay sa rekla­mong rape ng Grade VI pupil nitong estudyante na kaniyang nabuntis sa Imus City, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PNP–Criminal Investigation and Detection Group Chief P/Director Benjamin Magalong ang suspek na si Ronadel Bedia ng Lime Street, ACM Homes, Phase 1, Barangay Alapan 1A sa nabanggit na lungsod.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nagsimula ang panghahalay ng suspek noong Marso 2013 kung saan nagmamakaawa ang biktima at tinakot pa itong ibabagsak sa klase kapag hindi pumayag.

Dahil sa pag-umbok ng tiyan ng nabuntis na biktima ay dito lamang nadis­kubre ang panghahalay ng suspek.

Napilitan naman ang mga magulang na dalhin ang biktima sa Estados Unidos matapos itong mabuntis at doon ay nanganak ng isang batang babae bunga ng sinapit nito sa kamay ng suspek.

Upang makamit ang hustisya sa pagkapariwara ng anak ay itinuloy ng mga magulang ng biktima ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa suspek.

Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape na inisyu ni Judge Francisco Dizon Pano ng Trece Martirez City Regional Trial Court Branch 23 sa Cavite, inaresto ng pulisya sa pa­ngunguna ni P/Senior Supt. Felipe Natividad ang suspek sa kanyang bahay.

vuukle comment

BARANGAY ALAPAN

CAVITE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP CHIEF P

DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG

ESTADOS UNIDOS

FELIPE NATIVIDAD

IMUS CITY

JUDGE FRANCISCO DIZON PANO

LIME STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with