^

Probinsiya

Ama inutas sa harap ng anak

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakaluhod na pinaslang sa harapan ng 10-anyos na anak na lalaki ang 50-anyos na dating security guard matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa Barangay Lambug, bayan ng Badian, Cebu kamakalawa ng hapon. Naisugod pa sa Badian District Hospital subalit idineklarang patay si Romeo Auban Terante. Sa ulat na isinumite sa Camp Crame, naglalakad ang mag-ama nang harangin ng tandem at barilin ng backrider  na nadaplisan sa  kaliwang kamay sa ikalawang putok. Nagawa pang tumakbo ng biktima habang akay-akay ang anak pero hinabol sila ng gunman. Nang abutan ay pinaluhod pa ng gunmen ang biktima saka binaril sa kaliwang bahagi ng ulo sa harapan ng na-shock nitong anak na lalaki. Joy Cantos

vuukle comment

BADIAN DISTRICT HOSPITAL

BARANGAY LAMBUG

CAMP CRAME

CEBU

JOY CANTOS

NAGAWA

NAISUGOD

NAKALUHOD

NANG

ROMEO AUBAN TERANTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with