^

Probinsiya

2 tumba sa ambush

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Dalawa-katao kabilang ang sinasabing notoryus na drug pusher ang napatay sa naganap na magkahiwalay na pananambang sa Bulacan at Pampanga, ayon sa ulat ng pulisya.

Unang napaslang si Noel “Tasyo” Castro, 46, ng Brgy. Pansumaloc matapos itong tambangan ng riding-in-tandem gunmen pagsapit sa bahagi ng Barangay Pinacpacan, bayan ng San Rafael, Bulacan kahapon ng umaga. Ayon kay PO2 Gerardo Cruz, pauwi na si Castro lulan ng motorsiklo matapos ihatid ang kanyang anak sa paaralan nang makasalubong si kamatayan. Samantala, napatay din ang 29-anyos na si Marian Gantan matapos itong tambangan ng dalawang di-kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Cacutud, bayan ng Mabalacat, Pampanga kamakalawa ng gabi. Ayon sa pulisya, minamaneho ni Gantan ang SUV (TOH-442) nang ratratin habang sumalpok naman ang kotse nito sa  traysikel kung saan sugatan naman ang mag-asawang Vladimir Sanchez at Irene Sanchez.

vuukle comment

AYON

BARANGAY CACUTUD

BARANGAY PINACPACAN

BULACAN

GERARDO CRUZ

IRENE SANCHEZ

MARIAN GANTAN

PAMPANGA

SAN RAFAEL

VLADIMIR SANCHEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with