^

Probinsiya

Bus vs truck: 2 patay, 44 sugatan

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Dalawa-katao ang namatay habang 44 naman ang sugatan sa naganap na banggaan ng pampasaherong bus at 10-wheeler truck sa kahabaan ng Southern Tagalog Arterial Road (STAR) sa Lipa City, Batangas noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang namatay na konduktor ng bus na si Arnel Diaz, at ang 18-anyos na pasahero na si Jade Anthony Dimalibot.

Ayon kay P/Supt. Jacinto Malinao, hepe ng Lipa City PNP, bandang alas-11 ng gabi nang makaidlip umano ang driver ng Dimple Star Bus (TYS-454) na si Lorenzo Ca­ringal Jr. kaya bumangga sa sinusundan nitong trailer trak (RMB-486) na minamaneho naman ni Rodel Gono pagsapit sa KM-76 ng Barangay Pusil sa nasabing lungsod.

Namatay habang isinusugod sa Mary Mediatrix Medical Center sina Diaz at Dimalibot,  base sa pagsusuri nina Dr. Arturo Marquino at Dr. Pantaleon Huzon.

Samantala, 44- pasehero ang nasa kritikal na kondis­yon na naisugod sa nasabing ospital. Nahaharap naman sa mga kasong kriminal ang driver ng bus na si Caringal kung saan nakakulong ngayon sa himpilan ng pulisya sa Lipa City.

vuukle comment

ARNEL DIAZ

BARANGAY PUSIL

DIMPLE STAR BUS

DR. ARTURO MARQUINO

DR. PANTALEON HUZON

JACINTO MALINAO

JADE ANTHONY DIMALIBOT

LIPA CITY

LORENZO CA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with