^

Probinsiya

Bahay ng kapitan nirapido: 1 utas, 2 pa sugatan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 19-an­yos na anak ng isang Brgy. chairman habang sugatan naman ito at isa pang anak na lalaki matapos na ratratin ang kanilang bahay ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa Prosperidad, Agusan del Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Aldrin Dumaguit, anak ni Brgy. Chairman Alejandro Dumaguit ng Brgy. San Lorenzo sa bayang ito.

Si Brgy. Chairman Ale­jandro at isa pa nitong anak na si Elyjean ay isinugod naman sa pagamutan sa tinamong mga sugat sa katawan.

Sa ulat ng CARAGA Police, naganap ang pamamaril sa tahanan ng pamilya ni Dumaguit sa Brgy. San Lorenzo ng bayang ito bandang alas-10 ng gabi.

Base sa imbestigasyon, bigla na lamang sumulpot sa lugar ang pitong armadong kalalakihan saka pinagbabaril ang bahay ni Dumaguit na ikinasawi ng 19-anyos na anak nito na napuruhan sa insidente.

Samantalang nagtamo rin ng tama ng bala ang ilang kabahayan sa lugar bagaman wala namang nasugatan mula sa mga ito.

Narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang mga basyo ng bala ng M16 rifles at patuloy din ang masusing imbes­tigasyon sa kasong ito. (Joy Cantos)

 

vuukle comment

AGUSAN

ALDRIN DUMAGUIT

BRGY

CHAIRMAN ALE

CHAIRMAN ALEJANDRO DUMAGUIT

DUMAGUIT

JOY CANTOS

SAN LORENZO

SI BRGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with