^

Probinsiya

2 notoryus utas sa parak!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang umano’y miyembro ng notoryus na sindikato ang napaslang habang isa namang opisyal ng pulisya ang nasugatan matapos na magbarilan sa Brgy. San Antonio, Boljoon, Cebu  kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Arnel Coronel at isang alyas Titing; pawang miyembro ng Ganyolon-Salonoy Coronel Syndicate, na isinasangkot sa talamak na robbery/holdap, illegal drugs, gun-for-hire, rape at extortion. Isinugod naman sa ospital si Inspector Dexter Basirgo na siyang namuno sa  operasyon laban sa mga ito.

Sa ulat ni Cebu  Police Director P/Sr. Supt. Noel Gillamac, naganap ang shootout sa pagitan ng pulisya at mga suspek sa nasabing lugar bandang alas-12:22 ng hapon matapos na maispatan si Coronel at mga kasama nito.

Agad na nagkaroon umano ng palitan ng putok sa pagitan ng mga pulis at  mga suspek.

Nagawang makatakas ang ibang miyembro ng sindikato na tinutugis na ng pulisya.

vuukle comment

ARNEL CORONEL

BOLJOON

BRGY

CEBU

DALAWANG

GANYOLON-SALONOY CORONEL SYNDICATE

INSPECTOR DEXTER BASIRGO

NOEL GILLAMAC

POLICE DIRECTOR P

SAN ANTONIO

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with