^

Probinsiya

Lalaki nang-hostage ng kapwa pasahero sa bus tiklo

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang lalaki ngayong Lunes ng umaga matapos mang-hostage ng kapwa pasahero sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX).

Ayon sa isang ulat sa radyo, nakilala ang suspek na si Larry Miranda ngunit inaalam pa ng mga awtoridad kung ito ang kanyang tunay na pagkakakilanlan matapos siyang magbigay ng iba't ibang pangalan.

Naganap ang insidente bandang alas-8 ng umaga sa southbound lane ng NLEX sa bahagi ng Sta. Rita entry nang magdeklara ng hostage ang suspek sa loob ng Everlasting Bus.

Unang humiling ng media ang suspek upang maipahayag ang kanyang mga saloobin, bago nagpatawag ng tsuper para paandarin ang bus.

Natapos ang hostage drama nang magpanggap na tsuper ng bus ang isang pulis na pinuwersang agawin ang panaksak na hawak ng suspek.

Hinala ng mga pulis ay may diperensya sa pag-iisip ang suspek.

Ligtas naman ang lahat ng pasahero, maliban sa pulis na nagtamo ng sugat matapos makipaglaban sa suspek.

vuukle comment

ARESTADO

AYON

EVERLASTING BUS

HINALA

LARRY MIRANDA

LIGTAS

NAGANAP

NATAPOS

NORTH LUZON EXPRESSWAY

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with