^

Probinsiya

12-anyos nasagip, 2 kidnappers timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa loob lamang ng 24 oras, matagumpay na nasagip ng mga operatiba ng pulisya ang dinukot na 12-anyos na batang lalaki habang dalawa namang kidnapper ang nasakote sa rescue operation sa Samal, Bataan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 3 Director P/Chief Supt. Raul Petrasanta ang mga nasakoteng suspek na sina Freddie Aguilar, tukayo ng sikat na singer at Alvin Samar.

Ayon kay Petrasanta, ang mga suspek ang responsable sa pagbihag sa biktimang itinago sa pangalang Jomar sa pakiusap na rin ng pamilya nito na dinukot sa isang eskuwelahan sa Sto. Cristo, Concepcion, Tarlac nitong Biyernes.

Bandang alas-2:30 ng madaling-araw, ayon kay Petra­santa nang lusubin nila ang pinagtataguan ng mga suspek sa bata sa Brgy. Hugo, Samal, Bataan.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga nasakoteng suspek.

vuukle comment

ALVIN SAMAR

AYON

BANDANG

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

FREDDIE AGUILAR

POLICE REGIONAL OFFICE

RAUL PETRASANTA

SAMAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with