^

Probinsiya

Barko nasunog: 3 kritikal

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon, Philippines - Tatlong tripulante ng cargo vessel ang malubhang nasu­gatan matapos na sumabog at tuluyang nasunog habang nakadaong sa pantalan ng Barangay Cotta, Lucena City, Quezon kahapon ng mada­ling araw.

Naisugod sa Quezon Medical Center ang mga biktimang sina Romy Pabol, Rodolfo Finangcol, at Da­vide Fabella na pawang residente ng Romblon.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection sa pangunguna ni City Fire  Marshall S/Insp. Adrian de la Cruz, nakatakdang maglayag ang M/V Banton Liner 10 patungo sa Romblon para magdala ng gasolina, krudo, LPG tanks at mga dry goods nang magkaa­berya ang makina nito.

Nabatid na pinaandar  ang barko nang biglang nag-spark ang ilalim na bahagi ng makina hanggang sa sumabog.

Nagtalunan sa tubig ang mga tripulante patungo sa pampang habang nilalamon ng apoy ang barko habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

BARANGAY COTTA

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CITY FIRE

LUCENA CITY

MARSHALL S

QUEZON MEDICAL CENTER

RODOLFO FINANGCOL

ROMBLON

ROMY PABOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with